Isa na sa mga pasong tema sa world cinema ang Street Gang films. Pinaka-nagustuhan ko nun yung Tsotsi. Medyo light kasi siya kumpara sa ibang Gang films. Nandyan din ang Gran Torino, na gusto ko rin. Nagustuhan ko dati ang Slumdog Millionaire, pero nung pinanood ko siya uli, parang wala nang epekto.
A month ago, napanood ko ang Tribu ni Libiran. Sorry to say, di ko talaga siya nagustuhan though alam ko naman na ang gusto niyang ipakita ay ang talent ng ilang mga kababayan natin sa rap. Pero bilang isang pelikula, fail talaga siya. Sorry Cinemalaya, mali yata kayo ng napiling winner. It's a nice try though, sa tingin ko naman, nakabawi na si Libiran sa Happyland.
Gangland na marahil ang pinakamagandang Gang film an napanood ko. At oo, mas maganda pa sa City of God. I used to love City of God too, pero looking back, hindi talaga siya something na pumasa sa panlasa ko, kumbaga, ayos lang kung mapanood ko siya o hindi.
Lamang ang Gangland sa lahat ng aspeto kapag kinumpara sa ibang Gang film. Nakatutuwa ang video aesthetic nito. Ang cinematography ay mahusay. Dagdag pa ang kwento. Ito na marahil ang pinakamagandang pelikula ng tambalang Gallaga-Reyes.
*Special mention ko dito ang magaling na pagganap ni Blakdyak bilang Banjo, di ko lang alam kung redubbed ang boses niya dito.
Isa marahil ito sa mga pinakamagandang pelikulang nagawa nitong nakaraang dalawang dekada.